7 Grade 5 students pinagsasaksak sa klasrum!

MANILA, Philippines — Pitong Grade 5 students ang malubhang nasugatan makaraang pasukin sa kanilang classroom at pagsasaksakin ng isang dalagitang schoolmate dahil umano sa pambu-bully sa loob ng kanilang paraalan sa Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias City kahapon ng umaga.
Base sa ulat, alas-8 ng umaga nang maganap ang insidente habang nasa loob ng kanilang silid-aralan sa ground floor ng Bethel Academy School ang limang magkakaklase na biktima nang biglang dumating ang 14-anyos na babaeng Grade 8 student na armado ng patalim at bigla silang sinugod at pinagsasaksak.
Nauna rito, sinabi ng isang guro na nakasaksi sa insidente, na dumating ang Grade 8 student at pumasok sa kanilang classroom sa 2nd floor at inilapag lamang ang school bag nito bago mabilis ding bumaba sa ground floor ng school saka pinasok ang classroom ng mga biktima.
Hindi na nagawa pang makatakbo ng mga biktima nang walang habas silang pinagsasaksak ng kutsilyo ng babaeng menor-de-edad na suspek. Nagkagulo ang mga estudyante sa nasabing eskuwelahan at nagkalat ang mga dugo sa classroom.
Agad na naitakbo sa pagamutan ang mga biktima kung saan dalawa rito ang agaw-buhay.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananaksak ng dalagita habang sinisilip ang anggulong “bullying” sa insidente.
Kinukumpirma pa ang impormasyon na binully umano ng mga biktima ang kapatid ng suspek kaya iginanti ito ng huli.
- Latest


















