^

PSN Palaro

Eala nahulog sa No. 35 sa WTA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala nahulog sa No. 35 sa WTA
Alex Eala.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nalaglag si Alex Eala sa ika-35 sa WTA live rankings ilang araw bago nito simulan ang kampanya nito sa Berlin Open sa Germany.

Bumagsak ang Pinay netter ng dalawang puntos mula sa kanyang dating posisyon na ika-33.

Hindi naman nabawasan ng puntos si Eala dahil nanatili ang puntos nito sa 1,422.

Nakatulong ang kanyang second round finish sa HSBC Championships.

Umangat lamang sa puwesto sina Donna Vekic ng Croatia at Emma Raducanu ng Great Britain na parehong nakakuha ng malaking puntos sa pagpasok nila sa finals ng HSBC Championships.

Nagkampeon si Vekic matapos nitong talunin sa finals si Raducanu sa iskor na 6-0. 7-6 (6).

Kaya naman sumulong si Vekic sa No. 33 mula sa dating puwesto nito sa ika-76 kung saan mayroon na itong 1,436 puntos.

Umangat naman sa No. 31 si Raducanu mula sa No. 42 kung saan mayroon na itong 1,458 points.

Mapapalaban si Eala sa opening round ng Berlin Open dahil makakasagupa nito si Vekic na sariwa pa sa kampeonato sa HSBC Open.

Ang mananalo sa pagitan nina Eala at Vekic ang haharap kay world No. 2 Elena Rybakina sa second round.

Nabigyan si Rybakina ng bye sa opening round ng Berlin.

Target ni Eala na masundan ang kampeonato nito sa Birmingham Open na ginanap dalawang linggo na ang nakalilipas.

Pukpukan na ang ensayo ni Eala para masigurong handang handa ito sa Berlin Open.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with