Bebot na No. 3 Most Wanted sa NCR arestado
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 37-anyos na babae na kabilang sa Top 3 Regional Most Wanted Persons ng National Capital Region (NCR) matapos isilbi ng Philippine National Police (PNP) ang warrant of arrest laban sa kanya sa Quezon City.
Sa Maryland St. Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City isinilbi sa suspek ang warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 306 ng Quezon City noong Hunyo 1, 2026 para sa kasong Qualified Theft. Walang piyansang inirekomenda ang hukuman.
Batay sa mga rekord ng korte, ang suspek ay sangkot umano sa pagnanakaw ng humigit-kumulang P38.14 milyong pondo ng isang pribadong kumpanya sa pagitan ng Enero at Oktubre 2023. Ang suspek ang may access sa finances ng kompanya.
Isinagawa ang operasyon ng Intelligence/Tracker Team ng District Mobile Force Battalion, katuwang ang iba pang police units.
Pinuri ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang matagumpay na pag-aresto at binigyang-diin ang patuloy na pagtupad ng PNP sa mandato nito.
- Latest


















