2 Casino employees buking sa ‘inside job’

MANILA, Philippines — Nakatakdang sampahan ng reklamong qualified theft ang dalawang empleyado ng isang casino sa pagnanakaw umano ng P20,000 halaga ng casino gaming chips, sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon.
Sa ulat kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Police Major General Anthony Aberin Jr., nadiskubre ang pagtangay sa gaming chips nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng dalawa.
Bukod sa surveillance personnel, sinuri rin ang kuha ng CCTV na nagkumpirma sa pagtangay ng casino chips.
Umamin naman ang mga suspek sa security personnel ng pamunuan ng casino sa ginawa at narekober ang mga ebidensya.
Inihahanda na ang inquest proceedings laban sa mga suspek sa paglabag sa Article 310 o Qualified Theft ng Revised Penal Code sa Manila Prosecutor’s Office.
- Latest




















