Alas Pilipinas puntirya ang 7th place

CANDON CITY, Ilocos Sur, Philippines — Sisikapin ng Alas Pilipinas na sikwatin ang seventh place sa pagharap nila sa Iran sa classification round ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup ngayon sa Candon City Arena dito.
Kinapos ang Alas sa kanilang kampanya sa nasabing prestihiyosong tournament na suportado ng Philippine Sports Commission, FIVB, Volleyball World, AVC, POC at ng City of Candon sa pamumuno ni Mayor Eric D. Singson.
Magsisimula ang battle for seventh place na labanan sa pagitan ng Alas at No. 4 sa Pool B na Iran sa alas-9:30 ng umaga habang mag-aagawan sa fifth spot ang No. 3 sa Pool A na Australia at third seed sa Pool B na Indonesia sa alas-12:30 ng tanghali.
Samantala, swak sa finals ang Chinese Taipei matapos nilang walisin sa tatlong sets ang Kazakhstan, 25-23, 25-16, 25-14 sa semifinals at makakalaban nila ang mananalo sa pagitan ng South Korea at Vietnam na naglalaban pa sa isang semis match.
- Latest


















