Tatay ni Adili nanawagan ng hustisya’
MANILA, Philippines — Nanawagan ng hustisya ang ama ni Divine Adili na isa sa nasawi sa ginanap na team building ng Ateneo Blue Eagles sa Dipucalao, Aurora.
Inilahad ni Elias Adili — ama ni Divine — sa isang post sa social media ang paghingi nito ng katarungan sa pagkamatay ng kanyang anak.
“I want justice for my son, Chukwuemeka Divine Adili,” ani Elias.
Sinabi ni Elias na nagdadalamhati ang buong pamilya nito sa nangyari.
“Divine, your family is deeply pained and devastated by your demise out of carelessness; you evaporated like a steam out of our sight. Divine, we miss you, and our tears seem endless,” dagdag ni Elias.
Nalunod sina Divine at Rene Baterbonia sa team building ng Blue Eagles kung saan base sa mga naglabasang ulat, isang malakas na alon ang humampas sa kanilang grupo.
Nakatakda namang magsimula ang burol ni Divine ngayong Sabado sa Immaculate Conception Chapel sa Katipunan, Quezon City.
“Divine Adili’s journey brought him far from home, but along the way he found teammates, classmates, coaches, and friends who came to know and love him,” ayon sa post ng Ateneo sa kanilang social media.
Binigyang-pugay ng Ateneo ang talentong ibinigay ni Adili sa paglalaro nito sa Blue Eagles.
“He made a lasting impact through the warmth of his presence, the friendships he formed, and the joy he brought to the communities he became part of. We remember Divine with affection and gratitude, and grieve with all those who loved him — in the Philippines, in Nigeria, and beyond,” ayon pa sa post.
Nanawagan ang Ateneo na patuloy na ipanalangin sina Divine at Baterbonia na bahagi na ng pamilya ng buong komunidad.
- Latest























