Graduation ng Pride Community pinangunahan ni Mayor Joy

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang graduation rites Year 3 Moving Toward Equality ng nasa 220 miyembro ng LGBTQIA+ community sa Gateway Araneta Center Quezon City.
Sa kanyang mensahe, ipinangako ni Mayor Belmonte sa mga graduates na patuloy siyang kakampi ng Rainbow community at patuloy na kikilalanin ang kanilang mga karapatan.
“Ang potensiyal mo ay hindi nakasalalay sa dress code, tanggap ka dito, proud kami sa QC na kasama kayo lagi para sa lahat,” ani Belmonte.
Inalala pa ni Belmonte nang simulan niya noong 2024 ang graduation rites ng Rainbow community na hanggang ngayon ay padami ng padami ang nakikiisa at marami ang nais pang makiisa sa rainbow community.
Pinasalamatan din ni Belmonte ang LGBTQIA+ community sa QC na isa sa mga katulong sa pagtataguyod sa pag-unlad ng lungsod.
Nakiisa sa okasyon sina Usec Atty Elen de Vibar Pasion ng Presidential Committee on LGBTQIA+ Affairs, Diversity and Inclusion; Lorna Fabian, Vice President Araneta City-Leasing at mga opisyal ng QC LGU.

Angie dela Cruz

- Latest