Grade 8 student, hulog mula sa mall
MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 15-anyos na Grade 8 student matapos mahulog mula sa ikatlong palapag na bahagi ng isang mall sa Cubao, Quezon City noong Miyerkules ng tanghali.
Ayon sa ulat ng Cubao Police Station (PS-7), natagpuan ang biktima sa ground floor ng food court area ng mall sa Aurora Boulevard, Barangay Kaunlaran, dakong alas-12:06 ng tanghali.
Batay sa imbestigasyon, nagsasagawa ng roving patrol ang isang security guard nang makarinig ito ng malakas na kalabog. Nang kanyang tingnan ang pinanggalingan ng ingay, nakita niya ang biktimang nakahandusay at agad na humingi ng tulong sa mga medic ng mall.
Dinala ang binatilyo sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERM), ngunit binawian din ito ng buhay sanhi ng matinding pinsalang natamo mula sa pagkahulog.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong pangyayari.
- Latest





















