^

PM Sports

Alas Pilipinas kinapos sa Chinese Taipei

Elech Dawa - Pang-masa
Alas Pilipinas kinapos sa Chinese Taipei
Nakipag-sabayan si Thea Gagate ng Alas Pilipinas sa pag-block sa bola kontra Chinese Taipei player sa AVC Cup Women’s Volleyball.
Russell Palma

CANDON CITY, Ilocos Sur - Bigay todo sina Pinay netters Alyssa Solomon, Ces Molina at Nina Ytang pero hindi pa rin kinaya ng Alas Pilipinas ang puwersadong Chinese Taipei matapos silang mawalis sa tatlong sets, 16-25, 14-25, 10-25, sa 2026 Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup na nilaro sa Candon City Arena kahapon dito.

Pumapalag ang Pinay netters sa simula ng sets pero kapag nasa kalagitnaan na ng labanan ay unti unting kumakalas ang Taiwanese.

Sumemplang sa classification phase ang Alas Pilipinas, tangan nila ang 2-3 karta sa Pool A sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, FIVB, Volleyball World, AVC, POC at ng City of Candon sa pamumuno ni Mayor Mayor Eric D. Singson.

Nakaraan lamang ay nasilo ng Alas Pilipinas ang silver medal matapos nilang yumuko sa finals sa Vietnam.

Walang dungis sa apat na laro ang Chinese Taipei sa Pool A kaya nakatitiyak na itong papalo ng bola sa semifinals, makakalaban nila ngayong araw ang kapwa tigasing South Korea.

Si Alyssa Solomon ang nanguna sa opensa para sa Alas Pilipinas sa nilistang anim na puntos mula sa limang attacks at isang block habang tig-tatlong puntos ang binakas nina Ces Molina at Nina Ytang.

Bumida sa puntusan para sa Chinese Taipei si Wan-Yun Hsu na bumira ng 14 points kasama ang 13 kills at isang service ace habang 13 ang tinikada ni Chang Yi-Chi.

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with