^

Probinsiya

Opisyal ng LGU sa BARMM todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Opisyal ng LGU sa BARMM todas sa ambush!
Pinagkaguluhan ng mga tao ang sumadsad na puting pick-up truck lulan ang Moro datu na kawani ng municipal government ng Tugunan na inambus at napatay ng mga armadong kalalakihan sa natu­rang bayan sa Co­­ta­bato nitong umaga ng Miyer­kules.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Isang Moro datu na ranking official ng muni­cipal mayor’s office sa Tugunan sa Bangsa­moro Special Geogra­phic­ Area sa probinsya ng Cotabato ang napatay sa ambush sa tapat mismo ng kanilang tang­gapan sa naturang bayan nitong Miyerkules ng umaga. Sa inisyal na ulat ni Capt. Steffie Sa­languit, spokesperson­ ng Police Regional Of­fice-Bangsamoro Auto­nomous Region, at ng 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army, na­isugod pa ng mga emergency responders sa isang ospital ang biktima na kinilalang si Datu Toto Mangansakan Dodog, ngunit pumanaw din ka­launan sanhi ng mga maselang tama ng bala sa katawan.

Ayon sa mga local exe­cutives at mga kapwa mga Moro datu, sakay si Dodog, residente ng Barangay Manaulanen, Tugunan, ng kanyang puting pick-up truck na ipaparada na sana sa tapat ng kanilang muni­cipal government center building nang harangin ng mga salarin at agad na pinagbabaril.

Mabilis na nakatakas ang mga bumaril kay Dodog, ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador mula sa Tugunan Municipal Police Station na nag-responde sa insidente.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with