^

Police Metro

Special elections sa Dasmariñas, itinakda ng Comelec sa Agosto 29

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang special elections sa lone legislative district ng Dasmariñas, Cavite ang itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa Agosto 29, 2026.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang halalan ay naglalayong maghalal ng bagong kinatawan ng naturang distrito matapos na patalsikin ng House of Representative sa puwesto ang dating kinatawan nito na si dating Cong. Kiko Barzaga.

Una nang sinabi ni Garcia na ang special elections ay dapat na isagawa nang hindi mas maaga sa 60-araw, ngunit hindi dapat na lampas sa 90 araw.

Matatandaang si Barzaga ay pinatalsik sa Kamara noong Hunyo 2 bunsod umano ng kanyang ‘disruptive at disorderly behavior.’

Una na rin namang nilinaw ng Comelec na maaari pa ring tumakbong muli si Barzaga sa halalan kahit pinatalsik ito sa puwesto.

Inihayag ni Garcia na makikipagpulong sila sa mga security forces, mga opisyal ng Dasmariñas, Cavite, at mga ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa pagdaraos ng special elections.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with