^

Metro

Dumlao, inilipat na sa NBP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Dumlao, inilipat na sa NBP
New Bilibid Prison
bucor.gov.ph

MANILA, Philippines — Inilipat na kahapon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City si dating Police  LtCol. Rafael Dumlao matapos mahatulang guilty sa 2016 kidnapping at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo.

Ayon sa CIDG, ang paglilipat kay Dumlao ay bunsod ng mittimus order na inilabas ng Court of Appeals noong Hunyo 9. Si Dumlao ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick Joo, noong Oktubre 2016. Sinetensiyahan siya ng habambuhay na pagkabilanggo.

Taong 2024 nang baligtarin ng Court of Appeals ang naunang desis­yon ng korte at hinatulan si Dumlao ng reclusion perpetua. Pinagtibay naman  ito ng Korte Suprema noong 2025 matapos ibasura ang kanyang apela.

P1 milyon ang inilabas na pabuya sa pagkakadakip kay Dumlao. Ang dating opisyal ay naaresto sa kanyang hide out sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City nitong Martes.

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with