^

Metro

Paslit, inireklamo ng rape ang sariling ama at lolo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtungo sa presinto ang isang 12-anyos na batang babae upang ireklamo ang umano’y ginagawang pang-aabuso at panggagahasa sa kanya ng sarili niyang ama at lolo sa loob ng kanilang tahanan sa Sta. Ana, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station 6, nabatid na Lunes nang magtungo sa presinto ang bata.

Gayunman, habang kinakapanayam na ng mga tauhan ng Women and Children Protection Unit, hindi na napigilang mapaiyak ng bata at umaming siya mismo ang batang biktima sa sulat na dala nito.

Salaysay  nito, 10-taong gulang pa lamang nang magsimula ang pang-aabuso sa kanya.

Hindi naman umano siya nagsumbong dahil sa takot sa mga suspek at pangamba na baka hindi siya paniwalaan ng kanyang ina. Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang mga awtoridad at kaagad na ipinatawag ang mga magulang ng bata.

Kaagad din umanong nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis at inaresto ang ama at lolo ng mga biktima, na todo-tanggi sa paratang.

Nakapiit na ang mga suspek na mahaharap sa mga reklamong rape, acts of lasciviousness, at paglabag sa anti-child abuse law.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with