^

Bansa

Gatchalian mas sinunod ng Senate employees

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gatchalian mas sinunod ng Senate employees
Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian and colleagues confer with National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag on Monday, June 8, 2026.
Senate SMU

MANILA, Philippines — Mas sinunod ng mga empleyado ng Senado ang advisory ni acting Senate President Win Gatchalian na mag-work-from-home mula Hunyo 10-11 dahil may banta sa seguridad ng Senado.

May ilang empleyado na nagtangkang pumasok pero hindi pinalusot ng mga taga-Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) kung wala sa nakahanda nilang listahan. Partikular na nakapasok ang mga empleyado ng Landbank of the Philippines na may branch sa ika-apat na palapag ng Senate Building at ilang doktor at medical personnel ng Senado. Maagang dumating sa may gate ng Senado ang ilang empleyado ni Sen. Kiko Pangilinan pero hindi rin sila pinapasok.

Ayon sa isang source, papapasukin naman ang mga senador sakaling may dumating pero ibababa lamang sila sa may lobby sa harap ng Senate building at hindi papayagang pumasok ang kanilang sasakyan sa basement parking na ayon naman sa isa pang source ay isinarado na nila.

Nilinaw din ni Gatchalian na hindi naka-lockdown ang Senado. “Hindi sya lockdown. Heightened security ang term,” ani Gatchalian.

Magkahiwalay na nagpalabas ng advisory kahapon ang tanggapan ni Gatchalian at Sen. Alan Peter Cayetano tungkol sa pasok ng mga empleyado.

Sa advisory ni Gatchalian, pinapayagan ang work-from-home dahil sa banta ng seguridad. Sa advisory ni Cayetano, ipinaalala na dapat pumasok ang mga empleyado sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with