^

Bansa

Pangulong Marcos: P100 milyon pondo sa mga nasalanta ng magnitude 7.8 lindol

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: P100 milyon pondo sa mga nasalanta ng magnitude 7.8 lindol
Comedian-host Melai Cantiveros took to social media to share that her family is safe in her hometown, General Santos City, after a magnitude 7.8 earthquake jolted Mindanao on June 8, 2026.
Instagram/Melai Cantiveros

MANILA, Philippines — Naglaan ang pamahalaan ng P100 milyon mula sa Local Government Support Fund (LGSF) para sa pagpapatayo ng General Santos City Hall na nawasak ng magnitude 7.8 magnitude na lindol sa Mindanao.

Sa pag-iinspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nasabing lalawigan, sinabi nito, nagkaloob din siya ng tig-P50,000 na ayuda para sa mga pamilyang namatayan.

NIlinaw naman ng Pangulo na bukod pa ito sa pondo para sa pagpapagawa ng mga nasirang gusali sa Saranggani at South Cotabato.

Sinabi pa ni Marcos na para sa may apat na libong mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay dahil sa kalamidad ay tatanggap ang mga ito ng tig-P5,000 sa ilalim ng Asistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Maglalabas aniya ang Department of Budget and Manage (DBM) ng pondo mula sa LGSF para sa mga napinsalang istraktura sa Sarangani province at South Cotabato.

Umaasa naman ang Pangulo na hindi na magkakaroon pa ng malalakas na aftershocks para maipagpatuloy ang pagdadala  ng mga pangangailangan ng mga biktima ng malakas na lindol.

FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with