Gatchalian-led majority kinilala ng Civil Service Commission

MANILA, Philippines — Hindi dapat malito ang mga empleyado ng Senado kung sino ang dapat nilang sundin, dahil ang Gatchalian-led majority bloc ay kinikilala na ng Civil Service Commission at iba pang kaukulang awtoridad, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.
Ani Lacson, ang pagkilalang ito sa mayorya na pinamumunuan ni Senate President Pro Tempore at acting Senate President Sherwin Gatchalian ay lalo lamang nagpapatibay na ang mga “utos” mula sa minorya na pinamumunuan ni ex-Senate President Alan Peter Cayetano ay layong magdulot ng kalituhan.
“Maliwanag naman sa atin kung sinong kinikilala ng Malacañang, ng House of Representatives, ng Civil Service Commission, ng IBP, at kung anu-ano pang mga grupo—kung sino talaga ang kinikilalang liderato ng Senado,” aniya sa panayam sa DZMM.
Sinabi ni Lacson na maliwanag na panggulo ang ginagawa ni Cayetano.
- Latest


















