PANOORIN: Dating Ateneo Blue Eagles coach Tab Baldwin aminadong walang work permit
MANILA, Philippines — Humarap sa pagdinig nitong Lunes, June 29 si dating Ateneo head coach Tab Baldwin kaugnay ng pagberipika ng kanyang employment status at mga kaugnay na dokumento.
Sa hearing, kinumpirma ni Baldwin na wala siyang kasalukuyang Alien Employment Permit at hindi niya matandaan kung kailanman siya ay nagkaroon nito, bagama’t sinabi niyang maaaring may mga dokumentong naisumite noon para sa kanyang visa at work permit.
Ipinakita rin sa kanya ng komite ang isang AEP identification card, ngunit iginiit niyang hindi niya ito nakilala at hindi siya sigurado kung nagkaroon siya ng ganitong dokumento.
Bahagi ang pagdinig sa patuloy na pagsusuri ng kanyang employment compliance, kasunod ng mga isyu na lumutang matapos ang pagkamatay ng dalawang atleta na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
- Latest



















