^

Bansa

El Niño nasa tropical ­Pacific na – Pagasa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
El Niño nasa tropical ­Pacific na – Pagasa
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang banta ng El Niño ay maaaring maranasan hanggang sa pagsisimula ng 2027.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kasalukuyang nasa tropical Pacific na ang El Niño na may 80% tsansa na mabuo bilang isang full-blown El Niño event.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang banta ng El Niño ay maaaring maranasan hanggang sa pagsisimula ng 2027.

Ang El Niño ay ang pag-init ng El Niño-Southern Oscillation at mainit hanggang sa katamtamang sea surface temperature sa eastern equatorial Pacific at hanggang sa katamtamang sea surface temperatures sa may Philippine Sea. Sa panahon ng El Niño ay nakararanas ng below-normal rainfall conditions ang bansa dahilan para maramdaman ang dry spells at tagtuyot.

Tinaya ng Pagasa na higit na mararamdaman ang El Niño sa Hulyo at Agosto ngayong panahon ng tag-ulan na pumasok din ang Habagat o southwest monsoon.

Ang Habagat ay ang maalinsangang panahon na pumasok sa bansa nitong Mayo at tatagal hanggang Oktubre na higit na tatama sa western section ng bansa partikular sa Metro Manila at Luzon provinces.

Dapat mag-ingat sa panahon ng El Niño at Habagat dahil sa mga panahong ganito nagkakaroon ng mga Super Typhoon tulad ng bagyong Ondoy noong 2019 na nagsabay ang Habagat at El Niño.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with