^

Police Metro

38 na ang patay sa magnitude 7.8 lindol

Joy Cantos - Pang-masa
38 na ang patay sa magnitude 7.8 lindol
The death toll from the Mindanao quake rose to 19, while 147 were injured, and six were reported missing, according to the Office of Civil Defense.
Instagram/Melai Cantiveros

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pumelo na sa 38 katao ang naitalang namatay habang 478 ang nasugatan at apat pa ang nawawala sa pagyanig ng 7.8 magnituge ng lindol sa baybayin ng lalawigan ng Sarangani.

Kabilang sa mga nasawi ay 4 sa Davao Region at 23 ang sugatan habang sa SOCCSKARGEN (South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat at ­General Santos City ) ay 33 ang namatay, 456 ang sugatan, at apat naman ang nawawala.

Nasa 19,000 pamilya naman ang naapektuhan ng malakas na lindol kung saan nasa 5,000 mga pamilya ang nasa mga evacuation centers.

Ayon kay Diego Agustin Mariano, Spokesman ng Office of Civil Defense (OCD), pinakamatin­ding naapektuhan ng 7.8 magnitude ng lindol ay ang General Santos City na tumama nitong Lunes sa Celebes Sea, alas-7:37 ng umaga.

Nakapagtala naman ng 1,055 aftershock  sa magnitudes mula 1.3-6.7.

Patuloy ang search and rescue operations at ang pamamahagi ng relief assistance sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.  

LINDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with