Quezon government tumanggap ng 2 ambulansya mula sa PCSO

MANILA, Philippines — Dalawang bagong Patient Transport Vehicles (PTVs) o ambulansya ang ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pamahalaang Panglalawigan ng Quezon.
Malugod na tinanggap ni Quezon Governor Angelina “Doktora Helen” Tan ang dalawang bagong ambulansya na ipinagkaloob sa ilalim ng Mecial Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng PCSO.
Layon nito na mapalawak ang access ng mga mamamayan sa dekalidad na serbisyong medikal, partikular na sa mga malalayo, liblib at geographically isolated na komunidad.
Pinangunahan ang turnover ceremony ni PCSO General Manager Melquiades Robles kasama sina Board Directors Janet Mercado at Jennifer Guevarra, Charity Assistance Department Manager Orlando Malaca, at PCSO Chief of Staff Jeremy Regino.
Isinagawa rin ang turnover ng 800 Charitimba food packs, 50 blood pressure apparatus, at 50 nebulizers bilang bahagi ng Corporate Social Responsibility initiatives ng PCSO.
Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Governor Tan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa PCSO para sa patuloy na suporta at mga programang ipinagkakaloob sa mga lokal na pamahalaan. Aniya, malaking tulong ang mga bagong ambulansya upang mas mapabilis ang pagdadala ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensyong medikal, lalo na sa mga lugar na malayo sa mga pasilidad pangkalusugan.
- Latest



















