^

Probinsiya

Pawa-Bogtong Bridge sa Albay binuksan na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Asahan na ang pagkakaroon ng mas maluwag na daloy ng trapiko patungong Legazpi, Albay.

Ito’y dahil binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kahapon ang Pawa-Bogtong Bridge, alinsunod sa kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..

Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, ang pagbubukas ng apat na linyang Pawa-Bogtong Bridge ay magbibigay ng mas mabilis na access sa mga motorista at mga sasakyang may dalang kalakal na nagta-transport ng mga produkto sa iba’t ibang bahagi ng probinsya.

“Nag-commit si Pangulo na popondohan niya itong mga unfinished projects na ito. Pagbukas nito, malaking tulong sa mga tao,” ayon kay Dizon, sa kaniyang pag-inspeksyon sa 67.25-metrong Pawa-Bogtong Bridge.

Samantala, alinsunod pa rin sa kautusan ni Dizon, sinimulan na rin kahapon ang pagpapatuloy ng cons­truction works sa Arzadon Road Improvement Project sa Brgy. Mayombo, Dagupan City, na nagdudulot ng abala sa publiko.

Ayon kay Dizon, target nilang matapos at mabuksan ang naturang kalsada sa Hulyo 2026.

BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with