^

Metro

Lalaki timbog sa baril at granada

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lalaki timbog sa baril at granada
Batay sa report na tinanggap ni Taguig City Police chief PCol. Julius Anonuevo, si alyas “Justine”, 26, ay dinakip alas-4:15 ng hapon ng Hunyo 6, 2026, sa isang impounding compound, sa Brgy. West Rembo, Taguig City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Isang lalaki na wanted sa pagnanakaw ang natimbog ng pulisya  matapos na salakayin ang kanyang hide out bunsod ng impormasyon na nagtatago ito ng baril at granada sa Taguig City, Sabado ng hapon.

Batay sa report na tinanggap ni Taguig City Police chief PCol. Julius Anonuevo, si alyas “Justine”, 26, ay dinakip alas-4:15 ng hapon ng Hunyo 6, 2026, sa isang impounding compound, sa Brgy. West Rembo, Taguig City.

Nag-ugat ang operas­yon sa intelligence report hinggil sa pagbibitbit ng baril ng suspek na isinailalim sa casing at surveillance nang matunton ang kinaroroonan. Huli sa akto ang suspek na may kinakalikot na baril sa nasabing compound kaya agad siyang inaresto.

Bukod sa kalibre .38 na baril na kargado ng 3 bala, natuklasan din sa kanyang bag ang isang hand grenade.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang suspek sa Taguig Pro­secutor’s Office sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosive).

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with