^

Metro

Curlee Discaya inaresto na ng CIDG sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Curlee Discaya inaresto na ng CIDG sa Senado
Contractors Curlee Discaya and Sarah Discaya arrive at the Department of Justice in Padre Faura, Manila, on December 19, 2025 in connection with the ?7.1-billion tax evasion case filed by the Bureau of Internal Revenue.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inaresto na nitong Lunes ang government contractor na si Pacifico “Curlee Discaya matapos magpalabas ng arrest warrant ang Regional Trial Court (RTC) ng Malolos City, Bulacan kaugnay sa non-bailable na kasong malversation of public funds.

Pormal na ipinasa ng Senado ang kustodiya ni Discaya sa mga personnel ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Halos siyam na buwan na nakulong sa Senado si Discaya matapos ma-contempt dahil sa pagsisinungaling.

Noong nakaraang linggo ay naghain ng kasong graft at malversation ang Office of the Ombudsman laban kina Curlee at kanyang asawang si Sarah Discaya at walong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay sa maano­malyang flood control project ­sa Calumpit, Bulacan.

Sa panayam sa abogado ni Discaya na si Atty. Cornelio ­Samaniego III, pinanindigan nito na walang kasalanan ang kanyang kliyente.

“Ang sinabi lang niya eh nalulungkot nga siya dahil nagsalita siya ng katotohanan tungkol dito sa flood control,” siya yung makukulong ngayon,” ani Samaniego.

Idinagdag ni Samaniego na sumagot at sinabi lamang ng kanyang kliyente ang kanyang mga nalalaman sa flood control.

Tiniyak din ni Samaniego na walang mangyayaring special treatment kay Discaya dahil bawal ito at ikukulong si Discaya sa isang regular na kulungan bagaman at sumailalim ito sa operasyon sa balikat kamakailan.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with