^

Bansa

Harry Roque nasa Austria pa rin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa Vienna, Austria pa rin si dating presidential spokesperson Harry Roque na malayang nakakagalaw sa nasabing bansa sa kabila ng warrant of arrest laban sa kanya na inilabas ng isang korte rito sa Pilipinas dahil sa kasong qualified human trafficking.

Ilang Pinoy na nagbahagi ng kanilang larawan na kasama si Roque, ang nagsabi na kumain pa si Ruque sa isang park kung saan nagtitipun-tipon ang mga Filipino at may mga nagtitinda pa ng mga pagkaing Pinoy. Ayon sa source, pinagbibigyan ni Roque ang mga nais magpa-picture sa kanya.

Nalilibre rin umano si Roque at hindi na nagbabayad sa kanyang mga kinakain sa nasabing park sa Vienna.

Matatandaan na naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court Branch 118 sa ­Angeles, Pampanga laban kay Roque, Cassandra Ong, at 48 iba pa sa kasong qualified human trafficking na may kaugnayan sa umano’y scam hub na Lucky South 99, isang POGO facility sa Porac, Pampanga na sinalakay noong 2024.

Napaulat na sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nakahanap sila ng ebidensya ng torture, kidnapping, at sex trafficking sa nasabing lugar. Nasagip din ng mga awtoridad ang hindi bababa sa 158 dayuhang empleyado.

HARRY ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with