^

Metro

BOC naharang P7.7 milyong misdeclared agricultural goods

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
BOC naharang P7.7 milyong misdeclared agricultural goods

MANILA, Philippines — Nahadlangan ng Bureau of Customs (BOC) ang tangkang pagpupuslit sa bansa ng misdeclared agricultural goods na tinatayang nagkakahalaga ng P7.7 milyon.

Ayon sa BOC, nadiskubre nila ang shipments ng mga fresh carrots na nakatago sa apat na container vans sa Port of Manila.

Ang shipments, na idineklarang assorted food products, gaya ng  egg noodles, flat noodles, soya wrappers, fish tofu, at wakame salad, ay dumating sa Port of Manila sa dalawang batches noong Marso 22 at 25, 2026.

Natuklasan naman ng Customs examiners sa isinagawang 100% physical inspection na ang shipments ay naglalaman ng 12,909 kahon ng misdeclared fresh carrots at 1,452 kahon ng egg noodles.

Anang BOC, ang misdeclared carrots ay tinatayang nagkakaha­laga ng P6.97 milyon habang ang egg noodles ay nasa P773,557.00 naman ang halaga, o may total estimated va­lue na hanggang P7.74 milyon, kasama na ang duties at taxes.

Kaagad namang nag-isyu ang BOC ng Warrants of Seizure and Detention laban sa shipments noong Mayo 11 at 22, 2026.

Kaagad ding kinumpiska ng BOC ang kargamento pabor sa pamahalaan dahil sa paglabag sa Sections 117 at 1400 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in relation to Section 1113 ng parehong batas at Republic Act No. 10845, o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with