^

Bansa

Erwin pinalagan akusasyon ng ex-Marines

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Malaking kasinungalingan ang mga paratang ni Bernard Gumban, isa sa mga nagpakilalang 18 Ex-Marines, sa ginaganap na bogus Blue Ribbon Committee hearing.”

Ito ang mariing pahayag ni Sen. Erwin Tulfo matapos siyang idawit ng isa sa mga Ex-Marines na umano’y nag-abot sa kanya ng maleta na naglalaman ng pera.

Ayon kay Tulfo, “sobrang dami ng ka­sinungalingan, siya mismo ay litung-lito.”

Una, sa naunang sinumpaang salaysay, sinabi raw ni Gumban na nag-deliver siya ng anim na medium-sized na maleta. Ngunit sa kanyang bibig mismo lumabas na minsan dalawa (2), minsan anim (6) ang kanyang idinedeklara.

Nagkakagulo rin aniya sa halaga ng diumano’y laman ng mga maleta. Sa affidavit, ang small ay P15–25 milyon, pero ngayon P20–25 milyon na raw. Samantalang ang medium, dati P30–40 milyon, ngayon P40–50 milyon. “Ano ba talaga?” tanong ni Tulfo.

Kapansin-pansin din umano na pili lang ang mga binanggit na pangalan sa hearing. Sa una nilang affidavit, idinawit pa nila sina Sens. Loren Legarda at Mark Villar. Ngunit sa kasalukuyang pagdinig, hindi na kasama ang mga ito. “Ito ba ang sinasabi nilang impartial investigation? Kapag kaalyado, ligtas ka. Kapag kritiko, delikado ka?”

Ayon kay Tulfo, “hindi na ito simpleng imbestigasyon. Isa itong ma­linaw at planadong propaganda laban sa aking pagkatao at reputasyon. Walang puwang sa Senado ang fake news at trolls. Sana nag-FB Live na lang sila”. “Magkita-kita po tayo sa lehitimong Blue Ribbon Committee hearing sa Lunes”.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with