Hirit ni Romualdez na bawiin PHDO inisnab ng Sandiganbayan
MANILA, Philippines — Inisnab ng Sandiganbayan Seventh Division ang hirit ni dating House Speaker Martin Romualdez na bawiin ang ang precautionary hold departure order (PHDO) laban sa kanya.
Batay sa desisyon ng korte na may petsang June 1 at isinulat ni Associate Justice Lorifel Pahimna, bigo si Romualdez na patunayang kailangan niyang mag-abroad para magpa-check up.
Hindi umano nagpakita ang dating speaker ng abstract at medical records para suportahan ang kanyang kahilingan sa korte.
Bigo rin umano si Romualdez na patunayang urgent ang medical check-up at treatment nito sa ibang bansa.
Iginiit ng Sandiganbayan na maituturing pa rin na flight risk ang kongresista dahil siya ang itinuturo umanong mastermind ng flood control scam.
- Latest



















