^

Bansa

Jinggoy kalaboso na sa plunder

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy kalaboso na sa plunder
Senator Jinggoy Estrada, accompanied by Senate President Alan Peter Cayetano, leaves the Senate to voluntarily surrender himself to the Criminal Investigation and Detection Group in Camp Crame on June 1, 2026.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Inaresto matapos boluntaryong sumuko si Sen. Jinggoy Estrada sa PNP-Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) na nagtungo kahapon sa Senado kasunod ng warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong plunder at graft kaugnay ng umano’y P573 milyong flood control scandal.

Ang plunder ay isang non-bailable offense.

Inisyu ang warrant nitong Lunes, Hunyo 1, ilang araw matapos magpiyansa si Estrada ng ?90,000 para sa hiwalay na kasong graft.

Kasama sa mga pinaaaresto sina dating DPWH secretary Manuel Bonoan, at mga DPWH engineers na sina Denryl Cortuna, Manny Bulusan, at Arturo Gonzales Jr.

Idiniretso si Estrada sa CIDG sa Camp Crame para sa booking procedures at matapos ito ay dinala ang senador sa Sandiganbayan para sa return of warrant kung saan nabatid na ito ay ikukulong sa New Quezon City Jail sa Payatas.

Samantala si Bonoan ay isinugod sa PNP hospital sa Camp Crame matapos tumaas ang blood pressure nito sa 192/100.

Noong Mayo 29, inutusan ng Second Division ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Estrada sa kasong graft. Nagpiyansa siya sa parehong araw.

Ang Ombudsman ang nagsampa ng plunder at graft cases noong Mayo 28.

Kasama rin sa mga akusado si Bonoan, na nag-piyansa rin noong Mayo 29.

Ito na ang ikatlong beses na naharap si Estrada sa high-profile plunder charge. Noong 2001, kasama ang ama niyang si dating ­Pangulong Joseph Estrada sa kaso kaugnay ng jueteng. Noong 2014, kinasuhan siya sa PDAF scam. Naabswelto siya sa parehong kaso.

Si Estrada ang ikatlong mambabatas na kinasuhan kaugnay ng flood control projects, kasunod nina dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at dating kongresista Zaldy Co.

SENATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with