^

Bansa

Ex-BARMM exec kakasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniutos na ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Abdulraof Macacua ang pormal na pagsampa ng mga kasong criminal at administratibo laban kay dating Education Minister Mohagher Iqbal sa tanggapan ng Ombudsman.

Ang mga kaso ay may kinalaman sa naging resulta ng special audit na isinagawa ng Commission on Audit hinggil sa umanoy maanomalyang pagbili ng may P2.2 bilyong-halaga ng learning at training materials.

Sa kaniyang sulat kay Iqbal,  sinabi ni Macacua na ang pagsampa ng mga kaso ang magbibigay kay Iqbal ng pagkakataon na sagutin ang habla at linisin ang kanyang pangalan. Si Iqbal ay sinibak sa puwesto bilang Minister ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) dahil sa naging resulta ng COA special audit.

Binalewala rin ni Macacua ang sinabi ni Iqbal na hindi siya binigyan ng due process sa pagtanggal sa kaniyang puwesto, dahil mismong ang pagsagawa ng special audit ay ebidensiya na ng due process.

Binanggit din ni Macacua ang mga legal at factual na batayan ng pagsibak kay Iqbal at iginiit na hindi ito parusa tulad ng kaniyang inaakala.

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with