^

PSN Showbiz

Mga bata at hayop, limitado na ang trabaho dahil sa mga permit!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Halos ayaw na palang mag-cast ngayon ng mga TV and movie production ng bata at mga hayop.

Suko raw sila sa rami ng permit at mga guideline.

Bukod sa Eddie Garcia Law, may kailangang permit daw ang mga batang aktor at mga hayop sa iba’t ibang concerned agencies.

Matrabaho raw bukod pa sa magastos.

Kaya kuwento ng isang production manager, ayaw na nilang mag-cast ng mga bata at hayop sa mga pelikula at kahit sa teleserye.

Para sa mga wala pang 15 years old, 20 hours lang pala bawat linggo pwedeng magtrabaho, at hindi hihigit sa apat na oras bawat araw.

Ipinagbabawal ang trabaho sa gabi sa pagitan ng 8:00 p.m. at 6:00 a.m.

Bukod sa mga batas sa trabaho ng mga bata, dapat mo ring sundin ang batas sa Philippine Animal Welfare Act, na nag-aatas na ang mga hayop ay panatilihin sa makataong mga kondisyon.

Ang lahat ng mga hayop daw ay dapat bigyan ng Freedom from hunger and thirst; Freedom from discomfort; Freedom from pain, injury, and disease; Freedom to express normal behavior and Freedom from fear and distress.

Kaya raw, hangga’t makakaiwas ang ibang production sa pagka-cast ng bata at hayop, inaayawan na nila para rin makatipid.

Nasa krisis pa nga naman ang ating bayan at hirap ang mga producer na makabawi sa mga ginagawa nilang pelikula eh kung ganun pang ang daming guidelines, tama namang ‘wag na silang magdagdag ng aasikasuhin pa.                                                  

HAYOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with