Duterte, Sotto nanguna sa net satisfaction sa top govt execs

MANILA, Philippines — Nanguna sa net satisfaction rating sa mga matataas na opisyal ng gobyerno sina Vice President Sara Duterte at Sen.Vicente “Tito” Sotto, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Ang nationwide survey na isinagawa noong Marso 24-31, 2026 ay nagpakita na may “moderate” +29 rating si VP Duterte habang si Sotto ay “moderate” +15, na ang panahon ay nakaupo bilang siya ang Senate President.
Sina Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Chief Justice Alexander Gesmundo, ay may “neutral” na rating na +4 at +9, ayon sa pagkakabanggit.
Ang net satisfaction ni Duterte na +29 ay binubuo ng 54% na satisfied at 25% dissatisfied respondents.
Nanatili itong matatag kumpara sa mga nakaraang resulta, na may kaunting paggalaw lamang sa iba’t ibang rehiyon, at pinakamalakas sa Mindanao na may “excellent” +82 rating, sinundan ng Visayas +36, at neutral figures sa Metro Manila at Balance Luzon.
Moderate na paggalaw naman ang nakuhang rating ni Sotto na 44% satisfaction at 28% dissatisfaction, na nagresulta sa +15 net rating.
Malakas si Sotto sa Balance Luzon na may +21, kasunod ang Visayas at Mindanao, habang sa Metro Manila ay nanatiling mas mababa sa +3.
Si Speaker Dy ay may net rating na +4, batay sa 32% satisfaction at 28% dissatisfaction na pinakamataas sa Balance Luzon at pinakamababa sa Metro Manila na may negatibong rating.
Nagtala si Chief Justice Gesmundo ng +9 net satisfaction rating, na may 35% satisfaction at 26% dissatisfaction.
Ang survey ng SWS ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face sa 1,500 respondents sa buong bansa.
- Latest


















