Videoconferencing kay De Lima noong 2021, Covid pandemic – Risa
MANILA, Philippines — Magkaiba at hindi pwedeng ikumpara ang “videoconferencing” na isinusulong ngayon ng Senate majority sa panawagan noong 2021 para payagan na makasali sa sesyon at committee hearings si noo’y Senator Leila de Lima, ayon kay Sen. Risa Hontiveros.
Ipinaalala ni Hontiveros na may COVID pandemic noong 2021 at halos lahat ng opisina at institusyon ay gumagamit ng video-conferencing.
“Wala namang pandemic ngayon,” sabi ni Hontiveros.
Ayon pa kay Hontiveros, si de Lima noon ay sumuko at nagpasailalim sa batas gayong ang binabalak na isali sa teleconferencing para makaboto na si Sen. Bato dela Rosa ay nagtatago sa batas.
Naniniwala si Hontiveros na hindi dapat payagan ang sinumang mambabatas na makaboto at magkaroon ng impluwensiya at benepisyo ng isang institusyon habang ayaw namang isumite ang sarili sa isang “lawful arrest” at judicial authority.
“Kaming mga senador ay dapat pumasok, humarap sa publiko at magtrabaho,” dagdag ni Hontiveros.
- Latest






















