^

Bansa

Lacson itinanggi ang ‘Con-Ass’ ni Imee

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinanggi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Biyernes ang “kasinu­ngalingan” ni Sen. Imee Marcos tungkol sa isa umanong plano na agawin ang liderato ng Senado upang bigyang-daan ang constitutional amendments.

Ayon kay Marcos, balak umanong palawigin ang termino ng mga matataas na opisyal ng gobyerno - at i-extend ang termino ng Pangulo at Vice President, at palitan ang age requirement dito sa 50 mula 40 para ma-disqualify si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Lacson, ang minority bloc ng Senado na kinabibilangan niya, ay hindi kailanman nakarinig ng ganitong usapin, lalo’t higit na natalakay ito sa kanilang mga caucus.

“Flat lies, outright lies. Kasinungalingan. Walang pag-uusap kami maski mga caucuses namin. Napakalimit naming mag-caucus sa minority never ‘yan napag-usapan never ‘yan nabanggit ang con-ass. Kung may planong mag-con-ass ‘di namin alam ‘yan. Kung meron man at kung meron ka­ming narinig ‘di namin alam kung anong end state na gusto nilang makita,” aniya sa pana­yam sa True FM.

“Hindi ko alam anong pinanggagalingan ng kanilang pananalita. Kung meron silang matibay na basehan bahala sila,” dagdag ni Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na para sa tinatawag na “Mythical 11” — ang bansag sa minority bloc — ang pangunahing prayoridad ay ang paghahanap ng paraan upang maibalik ang tiwala at dangal ng Senado.

Aniya, sakaling makuha ng minority ang sapat na bilang upang mu­ling makuha ang liderato ng Senado, tututukan nito ang pagpapabuti ng pananaw ng publiko sa institusyon.

“We love the Senate. Lahat kami ­nagkakaisa, ibangon natin ang ­Senado first and foremost sa paningin ng ating mga kababayan. Kalimutan ang iba ibang issues, attendant sa pagpalit liderato. Sa amin ang primordial concern namin ang integrity ng Senate,” aniya.

LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with