^

Bansa

6 wagi sa karera ng ‘Pabangka ni El Kapitan’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ng Bostik Philippines, isang global leader sa adhesive technologies, ang anim na nanalo sa “Pabangka ni El Kapitan Marine Epoxy” promo. Bawat isa sa kanila ay makatatanggap ng bagong fishing boat na nagkakahalaga ng P50,000.

Kabilang sa mga nanalo sina Ehmerson Oregenes ng Aklan at Keyth Bryan Albaño Gidacan ng Bantayan Island, Cebu para sa Visayas Phase. Samantala, sina Glen Remandaban Cortes ng Dinagat Islands at Joel Miraflor Jr. ng Davao City ang nanalo para sa Mindanao Phase. Para naman sa Luzon Phase, nagwagi sina Rodimer R. Jimenez ng Zambales at Joe Frilles Gayta ng Sorsogon.

Sa promo, hinikayat ng Bostik ang mga mangingisda na ibahagi ang kanilang kuwento kung paano nakatulong ang El Kapitan Marine Epoxy sa pagkukumpuni at pagpapatibay ng kanilang mga bangka, at kung paano makatutulong ang bagong bangka sa kanilang kabuhayan.

Pinili ang mga nanalo base sa pagiging tapat at makabuluhan ng kanilang mga salaysay, at sa malinaw na pagpapakita kung gaano kahalaga ang premyong bangka sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Si Ehmerson ay matagal nang gumagamit ng lumang bangka ng kanyang biyenan at umaasa sa El Kapitan Marine Epoxy sa tuwing may tagas o butas ito, habang si Keyth Bryan naman ay matagal nang nangangarap na muling magkaroon ng sariling bangka matapos mawala ang kanilang bangka nang manalasa ang Bagyong Yolanda.

Si Glen ay tumutulong sa kanyang ama sa paggawa ng mga bangka sa isla at gustong magkaroon ng sarili niyang bangka para masuportahan ang kanyang asawa at tatlong anak, habang si Joel naman ay nagsimulang mangisda matapos mawalan ng trabaho noong 2019, at ayon sa kanya, napatunayan niya sa loob ng maraming taon na matibay at maaasahan ang El Kapitan Marine Epoxy.

Sina Rodimer at Joe ay kapwa nagsalaysay rin ng kanilang mga personal na kuwento kung paano makatutulong ang bagong bangka sa kanilang hanapbuhay at sa kanilang mga pamilya.

Ayon sa Bostik, ang promo ay isang paraan ng pasasalamat sa mga boatmakers at mangingisdang Pilipino na patuloy na nagsisikap upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Ang Bostik El Kapitan Marine Epoxy ay pinagkakatiwalaang pandikit at pangmasilya para sa pagbuo at pagrepair ng mga bangka sa buong bansa. Maaasahan ang matibay at pangmatagalan nitong dikit at proteksyon sa mga bangka, palaban sa dagat, palaban sa tibay at palaban sa buhay.

BOAT

FISHING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with