2 Partylist solon nagbitiw
MANILA, Philippines — Nagbitiw na sa puwesto ang dalawang kinatawan ng Partylist Group na kapwa bumoto ng ‘yes’ sa plenaryo ng Kamara para maisulong sa Senado ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ang pagbibitiw nina 1Tahanan Partylist Rep. Nathaniel Oducado at Pinoy Workers Partylist Rep. Franz Legazpi ay inianunsyo sa plenaryo ng Kamara nitong Lunes ng gabi matapos na matanggap ang kanilang ‘letters of resignation’.
Dahil dito, inatasan ng Kamara si House Secretary General Cheloy Velicaria-Garafil na tanggalin na sa roll ng mga miyembro nito ang pangalan nina Oducado at Legazpi.
Sinabi ni Oducado na nagbitiw dahil sa sakit niyang asthma at nais muna umano niyang magpokus sa pagpapagaling at kaniyang pamilya.
Nilinaw naman ni Oducado na ang kaniyang pagbibitiw ay walang kinalaman sa kaniyang boto sa impeachment dahil wala naman umano siyang natatanggap na insentibo rito.
“It’s a personal reason, I have to take care of my health and take care of may family,” ani Oducado.
Nabatid na dahil sa kaniyang ‘yes’ vote sa impeachment ni VP Sara ay binabaha si Oducado ng mga pag-atake sa social media mula sa mga supporters ni VP Sara at aminado ang mambabatas na nakaka-pressure ito.
Magpupulong pa ang partido kung sino ang hahalili sa nabakanteng puwesto.
Samantala wala namang naibigay na dahilan si Fernandez kung bakit ito nagbitiw.
- Latest




















