^

Bansa

Robin mahaharap sa kaso sa pag-eskapo ni Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng maharap sa kasong kriminal si Sen. Robinhood Padilla kaugnay ng umano’y pagtulong nito sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa kustodiya ng Senado kamakailan.

Ayon kay Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima, si Padilla ay maaring panagutin sa kasong obstruction of justice, harboring a fugitive at abetting a fugitive.

Ginawa ni de Lima ang pahayag matapos sabihin ni Senate President Alan Cayetano na umalis na sa Senado si dela Rosa kasama si Padilla matapos ang insidente ng pagpaputok ng baril sa loob ng gusali ng Senado.

“Obstruction of justice, harboring a criminal fugitive, aiding and abetting a criminal fugitive,” tugon ni de Lima sa mga reporter ng matanong kung may pananagutan ba sa batas si Padilla sa pagsama sa pagtakas ni Bato.

Si Bato ay una nang isinailalim sa ‘protective custody‘ ng Senado matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) na may arrest warrant na ito kaugnay ng ‘crimes against humanity’ sa madugong drug war.

Binigyang diin ni de Lima, miyembro ng House prosecution panel sa impeachment ni VP Sara na walang sinuman ang nakatataas sa batas.

Iginiit pa nito na dapat ring masuri ang CCTV footages sa Senado para mabatid ang katotohanan sa gitna ng mga katanu­ngan kung ginamit ang proteksiyon ng Senado sa escape route ni Bato.

BATO

PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with