Top-Performing Cabinet execs inilabas
MANILA, Philippines — Inilabas ng RPMD Foundation Inc. ang pinakabagong Boses ng Bayan nationwide survey hinggil sa performance ng mga miyembro ng gabinete ng administrasyong Marcos, kung saan nanguna si DSWD Sec. Rex Gatchalian bilang top-performing Cabinet official.
Isinagawa ang survey noong Abril 1 hanggang 8, 2026 gamit ang “Index of Governance” o IOG, isang sukatan na pinagsamang trust at job performance ratings ng bawat opisyal.
Nanguna si Gatchalian sa 87% IOG, kalakip ang 85% trust at 89% approval ratings. Sumunod si DepEd Sec. Sonny Angara na may 85% IOG habang pumangatlo si DILG Sec. Jonvic Remulla (82%).
Kabilang din sa may matataas na marka sina DPWH Sec. Vince Dizon (80%), Executive Secretary Ralph Recto (78%), at Acting Justice Secretary Eric Vida (76%). Nagtala naman si Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. ng 75% IOG.
Kasama rin sa top-performing officials sina Trade Sec. Cristina Roque (73%), Defense Sec. Gibo Teodoro (72%), at Special Assistant to the President Sec. Anton Lagdameo Jr. (70%).
Ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD at isang global affairs analyst, ipinapakita ng survey na mas pinapahalagahan ng mga Pilipino ang mga opisyal na nakikita nilang aktibo, epektibo, at may konkretong naihahatid na serbisyo sa publiko.
- Latest




















