Chronic kidney disease, silent killer ng mga Pinoy! - Sen. Raffy
MANILA, Philippines — Labis na ikinaalarma ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang ‘di mapigilang pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong nagkakaroon ng Chronic Kidney Disease (CKD).
Sa kanyang Privilege Speech sa Senado kahapon, May 13, ipinunto ni Sen. Raffy na hindi na dapat ipinagsasawalang bahala pa ang public health issue na ito at kritikal para sa gobyerno na maaksyunan ito sa lalong madaling panahon lalo pa’t tinatayang nasa 13 milyong mga kababayan na natin ang kasalukuyang tinamaan na ng CKD sa iba’t ibang stages nito.
Ibinahagi rin ni Sen. Idol na ayon mismo sa Philippine Society of Nephrology, kada oras ay may isang Pilipino ang nagkakaroon ng chronic renal failure. Ang mas masaklap, kung dati ay mga senior citizen lang ang tinatamaan ng sakit na ito, ngayon 57.44% ng kidney disease patients ay nasa 20 to 59 years old na.
Ibig sabihin, pabata nang pabata ang mga pasyente ng CKD at ang mga ospital sa buong bansa ay patuloy pa ring nakapagtatala ng mga bagong kaso sa mga bata partikular na sa mga teenagers at maging sa mga paslit na aabot sa apat na taong gulang ay nagkakaroon na ng kidney failure.
Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Sen. Tulfo na mismong siya ay nasaksihan ang lungkot at hirap ng mga CKD patients na lumapit sa kanya para humingi ng tulong.
Sa kabilang banda, ilan sa mga pangunahing problemang nakita ni Sen. Tulfo kung bakit isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng CKD sa Southeast Asia ay dahil sa hindi epektibong healthcare system sa bansa, mas laganap na risk factors at limitadong kaalaman ng publiko.
- Latest


















