Interpol red notice vs Roque inaabangan

MANILA, Philippines — Naghihintay na ang pamahalaan ng Pilipinas sa magiging desisyon ng International Criminal Police Organization (Interpol) sa request na red notice laban kay dating presidential spokesperson Harry Roque.
Ito ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla ay dahil nagtapos na ngayong linggong ito ang anim na buwang application process ng gobyerno para rito.
“It’s a six-month application process. We will know by today if it has been granted or not,” ayon kay Remulla.
Si Roque ay matagal ng wanted dahil sa kasong human trafficking na may kinalaman sa operasyon ng POGO firm na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Una nang inihayag ni dating Presidential Anti-Organized Crime Commission spokesperson Winston Casio na ang pamahalaan ay humiling ng Red Notice sa Interpol laban kay Roque noong Nobyembre 2025.
Noong Nobyembre din ay kinansela ng repartment of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine passport ni Roque.
- Latest























