^

Bansa

Mga jogger hinabol ng abo ng Mayon’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

‘Parang Hunger Games’

MANILA, Philippines — Naging ‘literal na run for your life’ ang routine jog ng ilang joggers matapos ang biglaang pagputok ng bulkang Mayon noong Sabado.

Nag-viral ang TikTok video ng user na si Kenneth Urbano nang habang nagdi-jogging sa Camalig, Albay ay napilitan silang tumakas nang pumutok ang Mayon Volcano at magbuga ng mga abo at debris.

Kuwento ni Urbano, bago ang insidente ay nagsasagawa lang siya ng isang casual run sa Camalig Bypass Road.

Maya-maya ay napansin na nila ang tila puting usok mula sa bulkan.

Una umano nilang inakala na normal lang ito ngunit napilitang tumakas patungo sa ligtas na lugar nang kumapal na at umitim ang usok.

“Akala ko normal lang yun na usok,” ani Urbano.

“It was a jog…until it wasn’t,” aniya pa. “Literal na run for your life.”

Malaunan, isinakay sila ng isang napadaang sasakyan at ligtas na inihatid pabalik ng Legazpi City.

“Luckily po may nagpasakay sa amin at nakauwi po ng safe sa Legazpi,” dagdag pa niya.

Inilarawan naman niya ang karanasan bilang ‘surreal’ at sinabing tila nasa ‘Hunger Games’ sila dahil sa naganap.

Habang isinusulat ang balitang ito, sinabi ng Phivolcs na nananatiling nasa Alert Level 3 ang bulkan na patuloy na kakikitaan ng pagkabalisa, pagbuga ng abo at pag-agos ng lava.

CAMALIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with