^

Bansa

CHED: Wala munang tuition fee hike

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
CHED: Wala munang tuition fee hike
Ang pahayag ay ginawa ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Shirley Agrupis, sa kanyang pagdalo sa isang pulong balitaan para sa ceremonial signing ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11551, o ang Labor Education Act, at paglagda ng memorandum of agreement para sa Lifelong Learning Education Assistance Program for overseas Filipino workers (OFWs).
STAR / File

MANILA, Philippines — Hindi muna magtataas ng tuition fee ang mga higher education institutions (HEIs) sa bansa, sa gitna ng nararanasang krisis.

Ang pahayag ay ginawa ni Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Shirley Agrupis, sa kanyang pagdalo sa isang pulong balitaan para sa ceremonial signing ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11551, o ang Labor Education Act, at paglagda ng memorandum of agreement para sa Lifelong Learning Education Assistance Program for overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon kay Agrupis, marami na silang natanggap na kahilingan mula sa HEIs upang makapagtaas ng tuition fee.

Gayunman, pinakiusapan aniya nila ang mga HEIs na ipagpaliban muna ang naturang plano dahil hindi ito napapanahon.

“Marami po kaming natanggap na request but iisa lang naman po ang sagot namin. While we recognize the increasing prices and mga kailangan ng isang higher education institution, nakikiusap kami na I think this is not the right time to increase tuition fees,” ani Agrupis. “So naintindihan naman nila.”

Tiniyak rin naman niya na patuloy na nakikipag-usap ang CHED sa mga HEIs bilang bahagi ng kanilang coordination efforts sa mga tuition-related concerns.

CHED

TUITION FEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with