^

Bansa

SK lusawin na! - Jonvic

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
SK lusawin na! - Jonvic
Interior Secretary Jonvic Remulla on January 15, 2026.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ipinalulusaw ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang Sangguniang Kabataan (SK) dahil nagiging ugat lang umano ito ng korapsyon.

Sinabi ito ni Remulla nang mapaulat ang umano’y korapsyon ng ilang SK chairman sa Makati City.

“Kung ako lang ang masusunod ay papalitan ko na ang istraktura ng SK. Ngunit ito ay constitutional issue at hindi kaya ng aking kagawaran. Pero ang recommendation ko talaga diyan, kung magkaroon tayo ng constitutional change ay abolish na ang SK. Dahil nakikita natin na naging kultura na rin mula bata na ang corruption ay ordinaryo na lamang,” sabi ni Remulla.

Mistula umanong maagang namumulat ang mga kabataan sa korapsyon sa pagkakataong ito.

Aniya pa, kalahati umano ng SK officials sa buong bansa ay hindi na aktibong tumutupad sa tungkulin matapos ang unang taon ng kanilang termino, at kadalasan ay napapalitan na lamang ng itinalagang officer-in-charge.

“Ang rekomendasyon ko ay village council na lang ang mag-aappoint kung sino magha-handle ng affairs kaysa mag-e-election pa. Ang nangyayari sa kanila kasi, ‘yung eleksyon ay nagiging parang chapa nila na hindi sila puwedeng magkamali. Na kahit anong gawin nila, tama pa rin,” dagdag ni Remulla.

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with