^

Bansa

Freeze order sa yaman ni Romualdez inilabas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Freeze order sa yaman ni Romualdez inilabas
Rep. Martin Romualdez (Leyte), a former House speaker, releases a video statement on Tuesday, April 21, 2026 denying allegations of his involvement in a multibillion-peso scheme to siphon flood control funds.
Romualdez office via FB; Philstar.com screenshot

MANILA, Philippines — Nagpalabas na ng freeze order ang Court of Appeals laban sa mga ari-arian ng dating House Speaker na si Martin Romualdez kaugnay nang imbestigasyon sa umano’y iregularidad sa flood control projects.

Ito ang kinumpirma ni Ombudsman Boying Remulla kaugnay nang isyu sa asset ni Romualdez.

Ayon kay Remulla, saklaw ng freeze order ang 25 bank accounts at 10 insurance policies na nakapa­ngalan kay Romualdez.

Aniya, ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang kumuha ng court order mula sa Court of Appeals, sa tulong ng Office of the Solicitor General bilang counsel ng estado.

Nauna nang kinumpirma ng AMLC na may freeze order laban sa isang kasalukuyang miyembro ng Kongreso, ngunit hindi nito agad isinapubliko ang pangalan.

Sinabi rin ni Remulla na ang naturang hakbang ay bahagi lamang ng mas malawak na imbestigasyon, at may lima hanggang anim pang kaso na nakahanay at inaasahang isasampa sa loob ng susunod na dalawang linggo.

Sa ngayon, nasa preliminary investigation pa lamang ang kaso at tiniyak ng Ombudsman na sinusunod ang due process.

Dagdag pa ni Remulla, hindi madaling labanan ang mga akusadong may kapangyarihan at mala­king pondo, lalo na kung ang usapin ay pagnanakaw umano sa pondo ng gobyerno.

FLOOD CONTROL PROJECTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with