^

Bansa

VAT suspindihin ng 90-araw - solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa suspensyon ng 12% value-added tax (VAT) sa mga produktong ­petrolyo ng 90-araw, o kaya’y mas mababang VAT para makaagapay sa buhay ang mga motorista lalo na ang mga nakatatanda.

Nanawagan din siya sa agarang pagbabago sa sistema ng pamamahagi ng ayuda kasunod ng pagkamatay kamakailan ng isang motorcycle taxi rider.

“Hindi dapat ganito ang dinaranas ng ating mga kababayan. May namamatay habang naghihintay ng tulong. May mali sa sistema kung ganito ang kapalit,” diin ng mambabatas.

Binanggit niya na maraming senior citizens ang kabilang sa mga benepisyaryo ng ayuda, at delikado para sa kanila ang pumila nang matagal sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Ikinatwiran ni Ordanes na kung pansamantalang aalisin ang VAT sa mga produktong petrolyo, mas marami ang makikinabang, hindi lamang ang iilang napipili para makatanggap ng ayuda.

Aniya, ang matitipid sa pagsuspinde o pag-alis ng VAT ay maaaring gamitin ng mga konsyumer sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan.

Ipinaabot na rin niya kay Pangulong Marcos Jr. ang kanyang apela at panukala.

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with