^

Bansa

Pangulong Marcos inaabangan ‘ikakanta’ ni Co

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos inaabangan ‘ikakanta’ ni Co
Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagsakan ng gulay sa Benguet Mt. Province, kahapon. Nasa 11.9 tonelada ng assorted vegetables ang ipinamahagi ng Pangulo sa mga komunidad sa Metro Ma- nila, DSWD-NCR Walang Gutom Kitchen, New Bilibid Prison, Manila City Jail, at mga piling bahay ampunan.
Noel B. Pabalate

MANILA, Philippines — Handa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makinig sa anumang sasabihin ni dating Congressman Zaldy Co sa mga taong sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ito ang tugon ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, sa tanong kung ano ang naging reaksyon ng Pangulo matapos malaman na naaresto na si Co.

Ayon kay Castro, masaya si Pangulong Marcos na naaresto dahil isa si Co sa big fish sa flood control anomaly na naaresto na at mapapanagot sa batas.

“Definitely, dahil sabi nga po natin ang utos po niya, managot ang dapat na managot. Kung ang isang tao po ay may warrant of arrest, fugitive, cancelled ang passport – sino po ang hindi matutuwa na ang isang taong fugitive ay maibabalik sa Pilipinas para managot,” giit pa ni Castro.

Bagama’t nauna nang idinamay ng dating kongresista si Pangulong Marcos sa anomalya sa flood control scandal, tiwala naman si Castro na magsasabi si Co ng katotohanan at ibubunyag kung sino ang mga kasama sa flood control scam.

“Ang Pangulo, uulitin po natin, ang siyang nagsimulang magpaimbestiga ng maanomalyang flood control projects. Siya ang naunang magpaimbestiga ng diumanong korapsiyon,” ayon pa kay Castro.

Dahil dito handa aniya ang Pangulo na makinig sa lahat ng maaaring sabihin ng mga taong involved at dapat na managot sa batas.

PBBM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with