Tigil-pasada ng Manibela hindi makakatulong sa bansa - Castro
MANILA, Philippines — Hindi napapanahon at hindi makakatulong ang ikinakasang tigil-pasada ng transport group na Manibela ?sa Abril 15-17 sa pinapasan ng buong bansa tulad ng mataas na presyo ng krudo bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na ang kailangan sa ngayon ay negosasyon, pag-uusap, at pagtutulungan ng lahat.
Sa sinasabi naman aniya ng Manibela na mabagal ang aksyon ng administrasyon sa oil price hike, ayon kay Castro, nakikita naman ng lahat ang ginagawa ng pamahalaan.
Katunayan aniya, ang transport sector ang unang pinaabutan ng ayuda ng pamahalaan, kahit walang isinasagawang tigil-pasada noon. Si Pangulong Marcos aniya ay dinidinig ang hinaing ng lahat, lalo na ang sektor ng transportasyon.
- Latest






















