^

Bansa

‘An idle mind is a devil’s playground’ - Castro

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘An idle mind is a devil’s playground’ - Castro
Palace Press Officer Claire Castro during a press briefing.
STAR / File

Sa ‘good luck’ ni VP Sara kay Pangulong Marcos

MANILA, Philippines —  Tinawag ng Malakanyang na iresponsable ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na “good luck” tungkol sa sinasabing lumalalang kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na bagama’t isang sagot lang ay makikita naman sa kilos ng Pangalawang Pangulo kung ano ang ibig sabihin nito.

“Isang sagot pero makikita n’yo sa body language kung ano ang ibig sabihin. Noong itinanong ito na masasabi nating isang iresponsableng tanong dahil walang pinanghuhugutan, walang batayan. Itinanong sa kaniya, anong masasabi patungkol sa diumanong lumalalang kalusugan ng Pangulo. Doon pa lang sa word na ‘lumalalang kalusugan,’ alam na nating walang basehan pero itinanong pa rin sa kaniya,” pagsisimula niya.

Dagdag pa niya, “Kaya ang nakuha rin natin sa bise presidente ay isang iresponsableng sagot: ‘good luck.’ With a smile at lahat ng nasa paligid niya ay nagtatawanan.”

Ani Castro, hindi raw gawain ng mga Pilipino na mangutya at pagtawanan ang isang indibidwal na mababalitaan nilang may sakit.

“Bilang isang Pilipino, hindi natin gawi ang mangutya, pagtawanan ang sinumang may sakit lalung-lalo na kung ito ay ginagawa lamang. Ginagawang sakit para masira ang Pangulo,” sinabi pa ni Castro.

Aniya, kapag may sakit ang isang tao ay binibigyan natin ng atensyon at binibigyan ng dasal para mas maging maigi ang kalusugan at hindi tinatawanan.

“An idle mind is a devil’s playground. So makikita natin, tumawa, is that a last laugh mentality or mockery of misery,” pasaring pa ni Castro.

FERDINAND MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with