P6.50/L tapyas sa diesel posible sa susunod na linggo
MANILA, Philippines — Makararamdam ng bahagyang ginhawa ang mga motorista, kasunod ng rollback na inaasahang ipapatupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Ang pagtatapyas sa presyo ng petroleum products ay ang kauna-unahan, simula nang magpatupad ng sunud-sunod na mega fuel price hikes ang mga oil companies sa bansa dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan na nagsimula pa noong Pebrero.
Batay sa resulta ng Mean of Platts Singapore (MOPS) trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ng isang oil industry source na magkaroon ng price reductions ang mga petroleum products sa susunod na linggo.
Nabatid na ang diesel ay maaaring magkaroon ng tapyas na mula P5.50 hanggang P6.50 kada litro.
Samantala, nananatili naman sa P1.00 ang tapyas sa gasolina.
Karaniwan nang iniaanunsiyo ng mga fuel retailers ang official price adjustments tuwing araw ng Lunes at ipinaiiral naman tuwing araw ng Martes.
- Latest


















