Maling info sa kalusugan ni Marcos bahagi ng destab - PCO
MANILA, Philippines — Naniniwala si Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez na ang pagdami ng impormasyon sa social media tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay bahagi ng planong destabilisasyon sa gobyerno.
Sa isang mensahe ni Gomez, naka-detect ang Anti-Fake News Desk ng PCO ng biglaan at sabay-sabay na pagdami ng maling impormasyon sa social media at maging ang mga respetadong main stream media ay nabibiktima na rin ng pag-atake ng mga trolls tungkol sa kalusugan ng Pangulo.
“The timing is suspect. Why the sudden surge at this time? Why resort to outright lies” why the desperation” Regardles , the motive is clear. Distract and destabilize our government,” giit pa ni Gomez.
Ayon sa Kalihim, tayo ay nasa state of energy emergency at ang Pangulo ay hindi magpapadala sa mga ingay na ito.
Nananatili aniya si Pangulong Marcos na nakatutok sa pagresolba sa krisis sa enerhiya at pagtulong sa bawat pamilyang Pilipino para mapabuti ang buhay at mapalakas ang ekonomiya.
Dahil dito kaya patuloy aniya ang pagsubaybay at pagdodokumento sa bawat post, comment, at bawat kasinungalingan na kanilang gagamiting ebidensya sa korte.
“We will identify the perpetrators, trace their networks, and file the proper charges in court once the evidence is complete hopefully by next week,” pahayag pa ng kalihim.
- Latest


















