^

Bansa

Init papalo sa higit 45 Celsius sa Super El Niño

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Init papalo sa higit 45 Celsius sa Super El Niño
Commuters use umbrellas and pandong (traditional head coverings) to shield themselves from the heat as they travel along Pedro Gil Street in Manila on October 2, 2026 amid hot weather.
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Climate Change Commission (CCC) na maaaring umabot sa 45 degrees Celsius o higit pa ang temperatura sa ilang bahagi ng bansa kapag tumama ang posibleng Super El Niño sa 2027.

Ayon kay CCC Commissioner Albert Dela Cruz, inaasahang magiging mas kaunti ang pag-ulan at mas matindi ang mga kondisyon ng panahon sa panahon ng Super El Niño, na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig, pagkain at enerhiya, gayundin sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Sinabi ni Dela Cruz na nakabatay ang babala sa mga pag-aaral ukol sa climate change, kabilang ang ulat ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) at isang parallel study ng isang climate laboratory na nakabase sa University of Chicago.

Ayon pa sa kanya, ang kasalukuyang target na limitasyon na 1.5 degrees Celsius na pag-init ng mundo ay maaaring malampasan at umabot sa 2 degrees Celsius sa pagitan ng katapusan ng Pebrero at Abril 2027.

“Kapag tumama ng 2 degrees centigrade iyan, partikular na sa Pilipinas, magkakaroon ng super strong El Niño. Ibig sabihin, hindi lang basta matinding init ang mararanasan natin, kundi maaari ring maging kapos ang ulan sa panahong inaasahan itong darating. Magiging mas extreme ang mga kondisyon ng panahon. Kung dati ay nasa 40 degrees Celsius at umabot sa 43 degrees ang pinakamataas na naitala, maaari itong puma­lo sa mahigit 45 degrees Celsius,” ani Dela Cruz.

Sinabi rin niya na ang Regions 1, 2 at 3 ang kabilang sa mga unang lugar na maaaring makaranas ng matinding epekto ng matinding init.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with